Binawian ng buhay ang pitong taong gulang na batang lalaki sa bayan ng Rodriguez, Rizal matapos ihambalos ng sarili niyang ama sa kalsada.

Naispatan sa CCTV ang pagsigaw ng residente ng Villa San Isidro Phase I nang habulin ng hubo't-hubad na construction worker ang kanyang sariling anak at nang maabutan niya ito ay binuhat at pinaghahambalos sa kalsada.

Sinubukan pang agawin at pigilan ng ilang saksi ang lalaki ngunit masyado itong malakas.

Agad rin namang naaresto ang suspek na ayon sa mga pulisya ay mayroon nang record na nasangkot ito sa ipinagbabawal na gamot, na siya namang tinitignang pangunahing dahilan sa pagpatay ng suspek sa sariling anak.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Kinilala ang suspek na si Iranio Veraces, 27 taong gulang.

Ayon sa kuwento ng misis nito, kinandado niya ang kanyang mister sa loob ng bahay dahil kahina-hinala na ang kilos nito dahil sa posibleng impluwensya umano ng droga ngunit nakatakas din ito at doon hinabol ang anak.

Dagdag pa ng asawa ng suspek, madalas ring kinakandado nila ang gate ng kanilang bahay dahil may ilang pagkakataong nagwawala ang suspek.

Ayon naman sa pahayag ng kapatid ng suspek, mabait naman daw ito ngunit nag-iba nga raw ang ugali nito noong gumamit ito ng droga.

Ngunit kahit kapatid pa nito ang suspek, mas mangingibabaw pa daw dito ang galit sa kanyang kuya dahil sa ginawa nito sa sarili nitong anak. Gayundin ang awa sa na-biyuda nitong asawa gayong kasalukuyan itong nagdadalang-tao.

Samantala, ikinulong ang suspek ngunit kalauna'y binawian din ito ng buhay matapos pag-uuntugin ang sarili nitong ulo sa pader ng kulungan.— Karen Joy Sapico.