Nanumpa na ang 8241 na mga bagong abogadong nakapasa sa 2020-2021 bar examinations ngayong Mayo 2, 2022 sa Mall of Asia Arena.

Isinagawa sa pamamagitan ng special en banc session ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa pangunguna ni Chief Justice Alexander Gesmundo.

Hinamon ng tumatayong chairman ng 2020-2021 bar exam na si Associate Justice Marvic Leonen ang mga bagong abogado ng bansa na huwag ipagsawalang bahala ang hirap ng kanilang dinanas para sa kanilang kauna-unahang digital at regionalized bar exam at bigyan ng kahulugan ang kanilang titulo para ipagtanggol ang mga nasa ilalim ng lipunan at ipagtanggol ang mga nangangailangan ng katarungan.

Kinilala rin kasabay ng okasyon ang mga tao at mga ahensya na nagtulong-tulong upang maging matagumpay ang bar exam kasama na rito ang mga health expert, PNP at AFP dahil sa protocol na ipinatupad.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Bilang pagtalima sa ipinaiiral na health protocol, nakasuot ng facemask ang lahat ng mga dumalo at sumaksi sa oath taking.