Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang naging pa-blind item ni Unkabogable Star Vice Ganda hinggil sa kakilalang hindi pinangalanan, na isang bayarang troll daw, na bagama't ayon sa personal niyang pagkakakilala ay mabait ito, subalit pinipiling gawin ang trabahong ito alang-alang umano sa pera.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/26/juliana-segovia-umalma-sa-viral-na-pahayag-ni-vice-ganda-kaugnay-ng-isang-kakilalang-troll/">https://balita.net.ph/2022/04/26/juliana-segovia-umalma-sa-viral-na-pahayag-ni-vice-ganda-kaugnay-ng-isang-kakilalang-troll/

"Sa totoong buhay hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media. Ta’s nalaman ko troll siya. Trabaho kasi wala siyang pera eh. Ginawa niya ‘yun, kumapit siya doon kahit mali kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya,” pagbubulgar ni Vice Ganda sa isang episode ng 'It’s Showtime' noong Martes, Abril 26.

“Masakit man pero yung ang epekto sa kanya ng kahirapan. Kinailangan niyang gawin. Hindi man katanggap-tanggap pero wala siyang choice,” ani Vice Ganda.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Mabait naman ‘yan eh, pero ngayon magugulat ka na lang talaga. ‘Yung mga post niya, ta’s nalaman naming troll pala siya,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng hindi pagbanggit ng host kung sino ang tinutukoy nito, umalma si Juliana sa pahayag sa inilabas na usapan nila ng “Lenlen” series director na si Darryl Yap, Martes ng gabi.

Noong Abril 30, eksklusibong nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP si Juliana, at dito ay inamin niyang natiyak niyang siya ang tinutukoy ni Vice Ganda, dahil sa mga banat umano ng 'alaga' niya.

Isang talent manager kasi si Vice Ganda, at ang kaniyang tinutukoy na 'alaga' ay si 'Ate Dick' na hayagan umanong bumibira kay Juliana sa mga social media post nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/25/so-kamusta-si-juliana-binash-niya-na-ba-si-meme-katulad-ng-pambabastos-niya-kay-vp-ate-dick/">https://balita.net.ph/2022/04/25/so-kamusta-si-juliana-binash-niya-na-ba-si-meme-katulad-ng-pambabastos-niya-kay-vp-ate-dick/

Pinili na lamang daw ni Juliana na huwag nang patulan ang mga patutsada nito sa kaniya dahil ayaw daw niyang bigyan ito ng espasyo sa social media wall niya.

"Alam ko po na si Vice ang humahawak sa kaniya. Ayoko po na mabastos si Vice kaya hindi ako pumapatol, kahit gusto ko na po siyang tanungin kung alam ba niya ang ginagawa sa akin ng alaga niya," sey ni Juliana.

Makikita sa mismong artikulo ng PEP ang mga screenshot ng mga tirada ni Ate Dick kay Juliana, gayundin ang showbiz news na naisulat ng Balita Online na ipinadala naman ni Juliana kay Vice Ganda.

"Meme, pinag-aaway po ba niya tayo?," tanong ni Juliana.

Subalit 'seen zone' lamang daw ang natanggap niya mula kay Vice.

"Nag-message po kasi ako sa kanya nang mabasa ko noon ang recent post ng alaga niya. Tinanong ko po siya bakit po may ganoon at kung pinag-aaway lang kami. Seen zone lang po ako and then, kinabukasan, nagsalita na siya sa It’s Showtime.”

Juliana Parizcova Segovia's screenshot of an attack towards him by one of Vice Ganda's wards.
Screengrab mula sa FB ni Juliana Parizcova Segovia via PEP

Samantala, batay sa tweets ni Ate Dick ay nakarating na sa kaniyang kaalaman ang tungkol sa naging panayam ni Juliana sa PEP.

Niretweet niya ang post sa kaniya ng isang basher. "Hahaha biglang nagdelete ng pinned tweet niya di ba about kay Juliana 'yun.. haha biglang uring ng buntot ang baklang tsongo!! Hahaha."

Tugon naman ni Ate Dick, hindi umano siya umuurong sa laban at kaya pa niyang labanan sa isang debate si Juliana anytime.

"Hello, hindi po umuurong ang buntot ko. Hindi ko rin binura, niremove ko lang sa pagkaka-pin. Matagal na kasi, magkaiba iyon. Tatanga-tanga na naman ha."

"Kung si Juliana rin lang, I can challenge her to another debate, anytime lol."

Sa isa pang tweet nitong Mayo 1, isang simpleng 'Pa-victim' ang kaniyang sinabi at sa comment section nito ay binanggit ng mga netizen ang tungkol sa PEP article tungkol sa panayam kay Juliana.

Samantala, wala pang tugon, reaksyon, o komento si Vice Ganda tungkol dito.