Usap-usapan na naman ang kontrobersyal na dating aktor at social media personality na si Rob Moya matapos niyang ibahagi ang video ng pagkikita nila ng aktres at host na si Yassi Pressman, nang mag-taping siya sa 'Rolling in It Philippines' sa TV5.

Dito ay inamin ni Rob na matagal na niyang crush si Yassi, noon pa mang naging katambal nito ang aktor na si Andre Paras sa pelikulang 'Diary ng Panget' kung saan unang umusbong at sumikat ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre na 'JaDine'.

Pangarap lamang daw niya dati si Yassi at alam niyang imposible na maging jowa ito. Nang mga sandaling iyon, naglakas-loob si Rob na tanungin ang actress-host kung sakaling ligawan niya ito, eh makakapasa ba siya?

"Am I the type of guy na puwedeng manligaw sa'yo? O magiging type mo ba 'ko?" tanong ni Rob kay Yassi.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nakangiti at game namang sumagot si Yassi. Aniya, marami daw siyang kinokonsidera sa pagpili ng magiging jowa. Tinanong niya si Rob kung mabait ba ito, funny, loyal at kung family-oriented. Puro oo naman ang sagot ni Rob.

"Okay," sagot ni Yassi.

Makikita namang kinilig si Rob sa sagot ni Yassi. Natawa naman si Yassi sa reaksyon nito.

Pero maya-maya, natatawang kumabyo si Yassi. "Maybe…"

Nag-apir silang dalawa at mapapansing napatagal ang hawak ni Rob sa kamay ni Yassi.

"Parang ang tagal ng hawak mo ah," pabirong sita ni Yassi sa vlogger. Biro pa ni Yassi, ang mga tipo raw ni Rob ay bolero.

Sey naman ni Rob, kapag si Yassi ang naging girlfriend niya, 'wala na talaga', meaning talagang magpapaka-loyal na siya, huh!

"Ayoko na nang kahit na sinumang babae sa buong planet."

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan si Rob nang batuhin siya ng singsing sa mukha ng dating karelasyong si Toni Fowler na sinubukan niya ulit suyuin.

Panoorin ang video mula sa kaniyang Facebook page: