Ipinahiwatig ng volleyball star, beauty queen, at 2nd nominee ng Mocha partylist na si Michele Gumabao ang pagsuporta niya sa UniTeam sa isang Facebook post kung saan ipinakita niya ang kaniyang red at green nail color noong Abril 28, 2022 na simbolo ng kulay nina presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos, Jr. at vice presidential candidate at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Nanawagan si Michele na magbigay ng respeto sa bawat pagpapasya ng tao, at sana ay maging maayos ang paparating na halalan.

"We all have a choice, we can all make a stand! Respect one another’s decision and together let’s pray for a safe and fair election. I stand united," saad niya sa caption.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ibinahagi naman ng isang fan page ni Inday Sara ang kaniyang post na may kalakip na litrato nila ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dito ay binanggit na suportado niya ang UniTeam.

"Maraming Salamat Ma'am Michele Gumabao sa iyong paninindigan at suporta sa kandidatura nina Bongbong Marcos at Mayor Inday Sara Duterte," saad dito.

Si Mocha Uson naman ay tagasuporta ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso.