Certified senatorial candidate Chel Diokno supporter o 'CHELdren' ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano o 'DonBelle.'

Sa tweet ng senatorial hopeful, ibinahagi nito ang larawan na kasama ang DonBelle sa naganap na “Tanglaw: Laguna People’s Rally” na naganap noong Abril 29 sa Sta. Rosa, Laguna.

"Kasama ko kagabi sa Tanglaw People’s Rally ang paboritong pamangkin ni Sen. Kiko, si @donnypangilinan at ang kanyang katambal na si @bellemariano02," tweet ni Diokno.

National

Gener, patuloy na kumikilos pakanluran sa WPS; 4 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1520302291772854272

Kasama rin sa uploaded photos ang ama ni Donny na si Anthony Pangilinan.

"Napakabait na mga bata! Of course, kasama ko din ang napakapogi na tatay ni Donny!"

Ani Diokno, matagal nang hinihintay ng kanyang supporters na makapagpa-picture ito sa love team.

"Hinihintay talaga ng mga CHELdren na makapagpicture ako sa tambalang #DonBelle. Ayan, mga CHELdren, narito na!"