Inaasahang magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa produktong petrolyo sa Martes, Mayo 3.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, bababa mula1.10 hanggang1.30 ang presyo ng kada litro ng diesel,1.00 hanggang1.15 sa presyo ng kerosene at P0.60 hanggang0.80 naman ang itatapyas sa presyo ng gasolina.

Ito ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sakaling ipatupad, ito na ang ikatlong bugso ng oil price rollback ngayong taon.

Nitong Abril 12, huling ini-rollback sa3.00 ang presyo ng kerosene,1.00 sa presyo ng gasolina at0.35 naman sa presyo ng diesel.