Sa isa sa mga episode ng 'Showbiz Update' nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs, napagkuwentuhan nila ang pagkakabati nina Janella Salvador at Julia Barretto nang magkita sila sa kasal ng kaibigan nilang sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia.

Nag-ugat umano ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa dahil sa isyu ng selosan sa nabuong tambalan nina Joshua at Janella sa teleseryeng 'The Killer Bride', ang huling proyektong pinagbidahan din ni Maja Salvador sa ABS-CBN. Noong mga panahong iyon ay magjowa pa sina Joshua at Julia.

Nabuking din nila na stepbrother pala ni Janella si Patrick Sugui. Ang biological father umano ni Janella na si Juan Miguel Salvador na isang aktor at singer ay napangasawa ang ina ni Patrick Sugui.

Makikita sa mga litrato na magkaangkla o magka-abresiyete sina Janella at Julia na dati pa namang magkaibigan, subalit medyo matagal-tagal na rin umanong hindi nagkausap, pag-amin mismo ni Janella sa vlog ng kambal na celebrity na sina Joj at Jai Agpangan.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Naungkat naman ni Mama Loi na nagkausap daw sila ni Julia sa dressing room ng isa sa mga sortie ng Leni-Kiko tandem na kanilang nadaluhan. Na-corner umano ng aktres si Mama Loi at inamin nitong laging inaabangan ang mga pasabog nila ni Ogie sa vlog.

Tinanong daw ni Mama Loi si Julia kung anong masasabi nito na 'daks' daw ang jowa niyang si Gerald Anderson.

Maya-maya, ipinakita nila ang isang video kung saan sinabi ni Julia ang kaniyang reaksyon tungkol dito.

"Anong masasabi mo na lagi naming nasasabi na daks si Gerald?" walang patumanggang tanong ni Mama Loi sa nakayakap sa kaniyang si Julia.

Huling-huli sa camera na nanlaki ang mga mata ni Julia sa tanong sa kaniya ni Mama Loi. Hindi rin siya nakapagsalita at natawa na lamang.

"Si Mommy (Marjorie Barretto) nandiyan!" saad ni Julia sabay tingin sa bandang likuran.

Hindi nasagot ni Julia ang tanong ni Mama Loi dahil naunahan na ito ng pagkawindang.

Pinuri naman ni Ogie at Mama Loi ang pagiging cool ni Julia.

Natanong naman ni Tita Jegs kung ano ang palagay ni Mama Loi: nasagot ba ni Julia ang tanong nito?

"Batay sa tawa niya at silence niya, dahil silence means yes, it's a yes!!!" buong siglang sey ni Mama Loi.

Matatandaang nabanggit ni Ogie na siya na mismo ang makapagpapatunay na totoong daks ang aktor.

Yun na!