Winner na winner talaga si Binibining Pilipinas 2022 candidate Herlene 'Hipon Girl' Budol dahil bukod sa pinag-uusapan siya ngayon, buong-buo pa niyang natanggap ang kinita ng vlog episode sa kaniya ni ABS-CBN news anchor at journalist Karen Davila, kagaya ng ipinangako nito sa kaniya.

Ibinahagi ni Hipon Girl sa kaniyang Facebook post noong Abril 25 na tumataginting na ₱100K lang naman ang natanggap niya mula sa batikang journalist na vlogger na rin ngayon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Isang malaking karangalan po uli yung nag-congratulate si Mam Karen Davila sa pagpasok ko sa Binibining Pilipinas 2022 at heto pa ang sorpresa niya sa akin mga KaHipon at hanggang ngayon walang tigil iyak ko. ibinigay po nya sa akin yung earnings sa YouTube niya noong ininterview niya sa akin, nakaraang April 2 sa halagang 100,000 pesos po bago ako nag register ng Binibining Pilipinas na umabot ng 2.2M views," bida ni Herlene.

"Mam Karen, God bless you more po at malaking tulong po ito para sa aking pamilya at ibibigay ko po ito kay Nanay Bireng at Tatay Oreng ko. Salamat nang marami dahil 3 mons ako bawal magtanggap ng trabaho at endorsement sa policy ng Binibining Pilipinas."

"Kaya umaasa na lang din ako ng income sa YouTube Channel ko sa pagpa-vlog! Mga KaSquammy sa mga hindi pa nakapanood ng interview ko po kay Mam Karen, ilagay ko sa comment section ang link. Salamat kay Sir Wilbert Tolentino at ipinakilala mo sa akin si Mam Karen Davila.

Ako nga pala si Binibining number 8 Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at mag-iiwan ng kasabihan, "Magsipag at wag umasa sa iba. Hindi araw-araw ay b-day natin. Baka magulat ka pa ka-birthday mo si Karen."

Samantala, narito ang naturang vlog na umere noong Abril 2, at habang isinusulat ito ay pumalo na sa 2,641,487 views.