Hinamon ng prosecutor ng Department of Justice (DOJ) si suspected drug lord Kerwin Espinosa na kasuhan nito ang mga namilit at nanakot sa kanya upang idiin si Senator Leila de Lima sa paglaganap ng iligal na droga sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

“Magcomplain siya at titingnan namin kung sino ‘yun. Mag-name names siya para maimbestigahan. Kasi kung hindi siya mag-name names, masyadong ano ‘yan self-serving ‘yan,” pagdidiin ni DOJ Prosecutor General Benedicto Malcontento nitong Biyernes.

Umapela rin sa kanya si Malcontento na maghain muna ng reklamo upang maimbestigahan ang mga tutukuyin nito.

Kumpiyansa rin si Malcontento na hindi iuurong ng mga pangunahing testigo ang kanilang testimonya sa kabila ng naturang hakbang ni Espinosa.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

“Medyo malabo na kasi 'yung unang kaso, dalawang kaso kasi 'yan, 'yung unang kaso tapos na yung prosecution… Doon sa pangalawang kaso patapos na kami, so wala kaming nakikitang danger na may mag-recant recant,” paglalahad pa ni Malcontento.

Sa panig naman ni De Lima, umpisa pa lamang ito ng pagbawi ng mga testigo sa kanilang testimonya laban sa kanya.