Usap-usapan ngayon ang TikTok video na kuha kay DJ Durano na bagama't hindi pa nagbabanggit ng pangalan ng sinusuportahan niyang kandidato sa papalapit na halalan, nagpahiwatig naman ito na maka-BBM o Bongbong Marcos siya.

Sa TikTok video na ibinahagi ng isang netizen, makikitang si DJ ang host ng beauty pageant na 'Binibining Mateo' sa San Mateo, Isabela noong Abril 9.

Pinansin ni DJ ang suot na red gown ng kandidatang tila nakasalang sa Q&A.

"Ano ang favorite color mo?" untag ni DJ.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Tugon ng kalahok, "As a woman who was born in the month of February, my favorite color is red definitely."

Biglang sey ni DJ, “Ako rin, red. Ayoko ng pink… " at naghiyawan naman ang mga tao.

"Ayoko ng lugaw. Hindi ako kumakain ng lugaw."

Maya-maya, nagmuwestra siya ng 'peace sign' sa kaniyang kaliwang kamay.

At nag-sorry pa siya kay 'Lenlen'.

Matatandaang nagkairingan sila ni Kapuso comedienne Pokwang nang magkomento siya sa Facebook post ng direktor sa GMA Network na si Direk Rado Peru, noong Abril 27.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/28/pokwang-nanggalaiti-sa-direktor-ng-gma-na-si-rado-peru-at-aktor-na-si-dj-durano/">https://balita.net.ph/2022/04/28/pokwang-nanggalaiti-sa-direktor-ng-gma-na-si-rado-peru-at-aktor-na-si-dj-durano/

Kilala ang direktor na si Conrado 'Rado' Peru bilang isa mga direktor ng drama anthology na 'Magpakailanman' at ng iba pang drama series ng Kapuso Network.

Noong Martes, April 26, ibinahagi ni Pokwang sa kaniyang tweet ang screengrab ng isang balita tungkol kay Elon Musk, ang bilyonaryong negosyante na nakabili ng Twitter sa presyong $44 billion.

“Katapusan n'yo na mga trolls!! Next naman sana TikTok at FB na nag-aalaga at nagpapalaki ng mga trolls na 'yan!!” saad ni Pokwang.

Nangako kasi si Musk na pupuksain ang pagpapakalat ng mga unwanted promotional content sa Twitter.

Ginamit ni Direk Rado sa social media post nito ang tweet ni Pokwang kasama pa ang litrato nito.

“Boboto yung mga tinatawag n'yong 'Trolls' sa May 9 at ipapamukha namin sa inyo kung sino ang gusto namin… at tatandaan kita kasi TROLL ang tingin mo sa akin…" pahayag ng direktor.

Nagkomento naman sa kaniyang post ang aktor na si DJ Durano na dating karelasyon umano ng namayapang direktor ng ABS-CBN at Star Cinema na si Direk Wenn Deramas.

“Feeling sikat s'ya, di naman. Sa ABS-CBN lang napansin ‘yan, feeling nya Ai Ai siya, ang layo maryosep," pasaring umano ni DJ.

Inilabas naman ni Pokwang ang kaniyang saloobin tungkol dito.

"Sino nakakakilala sa napaka-unprofessional na direktor na ito sa GMA? Rado Peru? Basahin mo mabuti tweet ko wala akong binanggit na pangalan trolls ang sinabi ko!!"

"Troll ka ba kaya ka triggered? Pero ikaw pinagbantaan mo ako at using my picture pa talaga ano po? Ihiwalay mo ang politika sa trabaho sana po di ba? Pwede kita idemanda po fyi!”

Hindi rin nakaligtas sa kaniyang talak si DJ Durano.

"At ikaw DJ Durano!! Woohoo Dios mio!! feeling sikat ako??? Nagfi-feeling Ai Ai ako??? Hahahahaha unang-una oo sikat ako kumpara sa'yo tah ka plastik ka!!! Ikaw laging sabit lang sa movie ng namayapa kong mahal na direktor kasi nga nagagalit ka kapag hindi ka kasama sa mga proyekto n'ya! Kapal ng mukha mo! Kung sino man mga friend n'ya dito paki-paabot sa kaniya ito plastik siya!!"

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, agad silang nakipag-ugnayan kay DJ at kinuha ang panig nito.

'No comment' daw ang unang sagot nito sa kanila, subalit nang kinalaunan, inamin nitong nagkausap na sila ni Pokwang.

"No worries. Nag-usap na kami," sey ni DJ

Sa tanong na may nais ba siyang ibigay na mensahe kay Pokwang: "Nothing. Elections is temporary. Keep your friends."

"It’s just a misunderstanding. Wala yun, maliit lang ang industry. Hahaha!"

“Ganoon talaga ang heated emotions dahil sa politics. At least, nag-usap na kami after she posted it," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/29/dj-durano-at-pokwang-nagkausap-na-pero-nagkaayos-ba/">https://balita.net.ph/2022/04/29/dj-durano-at-pokwang-nagkausap-na-pero-nagkaayos-ba/

Samantala, wala pang kumpirmasyon o reaksyon si Pokwang tungkol sa pahayag ni DJ na nagkausap na sila tungkol dito.