Viral ang social media post ng bagong ABS-CBN reporter na si Izzy Lee matapos siyang makatanggap ng 'free hug' mula sa isang street dweller habang nakasalang na siya sa kaniyang trabaho.

"So this happened at work today. A free hug," saad ni Lee sa caption ng kaniyang Facebook post.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makikitang walang ano-ano'y biglang bumulaga at lumapit sa kaniya ang street dweller at sumandig pa sa kaniyang balikat.

Naantig naman ang mga netizen sa eksenang ito.

"Makikita sa 1st and 2nd pose ng homeless na napakalungkot nya, sa 3rd pose niya naka-hug siya , walang katumbas na saya at ngiti ang makikita sa mukha nya. Nakaramdam siya ng respeto galing sa ibang tao. Maganda na at mabait pa si Izzy Lee."

"Such an inspiring story, keep it up."

"Nakakatuwa ka Mam. Hindi maarte at hinayaan mo lang makaranas ng free hug yung tao. God bless your kind heart Mam."

Samantala, hindi naman nakuha ang pagkakakilanlan ng naturang street dweller.