BAGUIO CITY – Patay ang isang 6 taong gulang na batang lalaki at dalawa pa habang limang iba pa ang nasugatan sa banggaan ng tatlong sasakyan sa Km. 3, Asin Road, Suello Village nitong Biyernes ng umaga.

Sinabi ng Baguio City Police Office, hindi muna nila isasapubliko ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at nasugatan hangga't hindinaipapaalam sa kani-kanilang pamilya ang insidente.

Sa paunang police report, dalawa ang dead on the spot at namatay naman sa Baguio City General Hospital ang menor de edad na lalaki.

Ayon sa pulisya, binabagtas ng isang taksi ang nasabing national highway nang mabangga ng isang container van ang likuran nito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bumangga naman ang taksi sa isang pampasaherong van na naging dahilan ng pagkawala ng kontrol nito hanggang bumangga sa pader ng kalsada.

Sinabi pa ng pulisya na ang dalawa sa mga namatay ay pasahero ng taksi at ang ikatlo ay pasahero ng van.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang madetermina kung sino ang mananagot sa insidente.