May paalala si showbiz columnist Lolit Solis sa Kakampink stars na nagpahayag ng kanilang pagsuporta kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo, ayon sa kaniyang Instagram post noong Abril 28.

"Siguro ang laking pressure kay VP Leni Robledo iyon mga sinasabi ng mga followers niya, Salve. Kasi nga lalo na iyon mga stars for Leni pag nagsalita, parang lahat ng problema maayos pag si Leni na ang nakaupo. Sobrang hard sell na mga salita na para bang lahat ng problema, kayang kaya ni Leni."

"Siyempre dahil iyan ang sinasabi nila, iyannang aasahan mo pag nakaupo na si Leni. Maganda kung talagang magagawa, ang nakakatakot, pag hindi ito natupad at nabigo ka sa inaasahan mo sa administrasyon Leni Robledo, paano na? Hindi naman siguro ganoon lang kadali ang lahat, at hindi rin naman Wonder Woman, o Super Girl si Leni."

"Kaya kailangan huwag masyado kung ano ano ang sinasabi na gagawin niya, o magagawa, dahil pressure ito para kay Leni Robledo. Maging practical lang at huwag sobrang hard-sell, huwag mag promise ng sobra baka asahan at mabigo ang tao. Hinay hinay lang, huwag sobrang hardcore. Basta asahan ang pagbabago, iyon lang. Pag sobra, hindi rin maganda," paalala pa ni Lolit.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Ilan sa malalaking celebrities na nagpahayag ng kanilang pagsuporta kay VP Leni ay sina Piolo Pascual, Anne Curtis, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, Vice Ganda, at marami pang iba.