Mukhang maayos na nagkabati at nagkaayos ang showbiz columnist na si Ogie Diaz at Kapamilya actress Andrea Brillantes matapos magkrus ang kanilang mga landas sa isa sa mga campaign rally ng Leni-Kiko tandem.

Matatandaang inamin ni Andrea na pinag-isipan ng kaniyang kampo na magsampa ng demanda kay Ogie matapos nitong iispluk sa January 17 episode ng 'Showbiz Update' ang nakarating sa kaniyang chika na sinugod umano ng actress ang co-star nitong si Francine Diaz sa dressing room dahil sa pagseselos nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/17/kaloka-andrea-sinugod-nga-ba-si-francine-sa-dressing-room-dahil-kay-seth/">https://balita.net.ph/2022/01/17/kaloka-andrea-sinugod-nga-ba-si-francine-sa-dressing-room-dahil-kay-seth/

At kung ang ugat ng kanilang isyu sa isa't isa ay dressing room, sa dressing room din sila nagkabati. Iisang dressing room lamang daw kasi ang kinalalagakan ng mga artistang nasa sortie ng mga panahong iyon.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/13/andrea-brillantes-binalak-kasuhan-si-ogie-diaz-talent-manager-nag-react/">https://balita.net.ph/2022/04/13/andrea-brillantes-binalak-kasuhan-si-ogie-diaz-talent-manager-nag-react/

“Sa pambihirang pagkakataon ay nagkita po kami ni Andrea Brillantes. Actually, hindi kami unang nagkita, sila ni Loi. Nakita ko sa aking peripheral (vision) ang pagdating ni Andrea, sabi ko sa loob ko, ‘Babatiin kaya ako ng batang ito?’ Eh, tapos dumaan lang, so hayaan mo na kung ayaw niya akong batiin. Eh, ako naman pag binati ako, babatiin ko rin kung hindi wa!” chika ni Ogie.

Hanggang sa makikitang lumapit umano si Andrea kay Ogie at niyakap ito.

Biro daw ni Andrea sa kaniya, "Ate magha-hi lang ako do’n sa nagpakalat ng video na nanugod daw ako. Hahahaha!"

Natawa rin naman si Ogie sa hirit ni Blythe.

Ipinagdiinan ni Andrea na hindi siya galit kay Ogie.

"Pag ganyan, masaya ang puso. Pag masaya ang puso mo walang galit sa puso mo. Hayan ha, hindi siya galit sa akin.”

“Sinabi ko lang ‘yun para rin ma-clarify lahat. Hindi po talaga (panunugod). Ang nangyari po nag-call lang kami pero wala pong sugod na nangyari. Meron namang mga CCTV tulad ng mga sinabi ko no’n. Puwede talaga akong maglagay ng proof," sey ni Andrea.

“Pero may nagti-tweet na meron daw siya (proof), sabi ko, ilabas mo. Matapang ka, eh. Go! Pero wala silang malalabas, wala talaga,” giit pa nito.

"Kung na-hurt ko man si Andrea sa aking pagbabalita, I am sorry, ‘no?" wika pa ni Ogie.

"Naiintindihan ko rin naman kasi trabaho n’yo rin naman ‘yun. Although na-depress po talaga ako pero okay lang ‘yun. Hahahaha! Pero matagal na, naka-move on na po ako. Saka naintindihan ko naman ‘yun saka nawalan din naman tayo ng contact no'n," sey pa ni Andrea.

Sina Ogie at Andrea ay parehong Kakampink.