Ikinalungkot ng fans ni Asia’s Phoenix Morissette Amon sa Dubai ang kanselado nitong show sa May 4 sa World Trade Center Dubai.
Ito ang opisyal na anunsyo ng Stages Talents nitong Miyerkules, Abril 27 na ipinaskil din ni Morissette sa kanyang Facebook ngayong Huwebes.
“This is to formally inform the public that the concert “MORISSETTE LIVE EID in DUBAI” scheduled for May 4 in World Trade Center Dubai is cancelled due to the producer’s “inability to meet scheduling requirements,” anunsyo ng Stages Management.
Samantala, tuloy na tuloy naman ang pagtatanghal ni Morissette sa finals night ng Miss Universe Philippines sa Abril 30 na magaganap sa SM Mall of Asia.
Matatandaang naging matagumpay ang US tour ng singer kasama sina Erik Santos at Christian Bautista sa nakalipas na unang dalawang linggo ng Abril.