Bangkay na nang madiskubre ng mga awtoridad ang isang babae sa ilalim ng kama matapos gahasain ito ng isang lalaki sa inuupahang katabing kuwarto sa Tuguegarao City, Cagayan.

Sa ulat ng Saksi, nakilala ang biktima na si Jennifer Uñate, isang empleyado ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Noong Sabado, Abril 23, agad na inireport ng asawa ni Jennifer ang hindi nito pagsagot sa telepono.

Si Jennifer, ginahasa at napatay na pala ng live-in partner ng kanyang katrabaho.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Tinangka pa ng suspek na si Billfred Carudan ang nagawang krimen matapos ibalot sa sako at karton ang bangkay ng biktima sa ilalim ng kama.

Noong Lunes, Abril 25 na nang madatnan ng pulisya ang nangangamoy nang bangkay ni Jennifer.

Inamin din ng suspek ang nagawang krimen na sinubukan pang magtago sa ibang bayan sa Cagayan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, madaling araw habang naninigarilyo ang suspek ay nadatnan niyang naka-“nighties” si Jennifer. Dito sunod na nagawa ng suspek ang karumal-dumal na krimen.

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek subalit nananatiling nagluluksa ang iniwang pamilya ng biktima.