Ipinagmalaki ng talent manager na si Wilbert Tolentino ang dalawa niyang alagang sina Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz at Herlene 'Hipon Girl' Budol dahil sa mga achievement na natatamasa nila ngayon sa kanilang showbiz career.

Magkaiba man ng tinatahak na journey at network, pareho naman daw ng layunin sina Madam Inutz at Hipon Girl, ayon sa kaniyang Facebook post noong Abril 23, 2022.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Tingnan nyo nga naman PBB at BBP"

"Madam Inutz & Herlene Hipon Budol"

"STAR MAGIC & SPARKLE!!!"

"Pinagtagpo at tinadhana! Ang mga alaga kong palaban! Nagsimula sa wala, pero hindi natakot sumubok sa oportunidad ng tadhana."

"Magkaiba man ang naging laban nila sa patimpalak na ito, iisa lang layunin nila, ginagawa nila ito para sa pamilya nila. Manalo man o matalo. Dahil ang realidad ang tunay na hamon ng buhay!" ani Wilbert.

At syempre, super grateful naman ang dalawang bebot sa tinatamasa nila ngayon dahil sa kanilang 'KaFreshness' na talent manager.

"NAKU SIR Wilbert Tolentino! WALA KANG KATULAD!! SOBRANG GRATEFUL AT THANKFUL KAMI NI KAPATID Herlene Hipon Budol!! YOU'RE THE ONE!! PAG TRABAHO, TRABAHO TALAGA!! SALUDO KAMI SA HUSAY MO!! MASAYA KAMI DAHIL IKAW ANG MANAGER NAMIN!! DISIPLINA AT SOBRANG PROFESSIONAL!! MAHAL NA MAHAL KA NAMIN NI HIPON AT MGA KASQUAMMY, KAFRESHNESS AT KAINUTZ FAMILY!!" tugon ni Madam Inutz.

Hindi rin matapos-tapos ang pasasalamat ni Herlene kay Wilbert dahil sa oportunidad na ipinagkaloob nito sa kaniya.

Nakilala si Madam Inutz dahil sa unique at nakakatawa niyang paraan ng online selling na marami ngang miners pero nakatambay lang. Hanggang sa mapunta siya sa pangangalaga ni Wilbert bilang manager at dito na siya nagkaroon ng sariling awitin at bahay.

Nakapasok siya bilang housemate sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition. Pinalad siya na mapabilang sa top 5. Pagkalabas niya, kaliwa't kanang guesting sa ABS-CBN shows ang ginawa niya. Sa ngayon, kabilang siya sa sweetcom na 'My Papa Pi' nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach.

Matapos namang maging contestant sa Wowowin ay naging dancer naman si Hipon Girl sa naturang game show kaya si Willie Revillame talaga ang unang naka-discover sa kaniya. Sa ngayon, artist na rin siya ng Sparkle GMA Artist Center. Ang latest nga kay Hipon Girl ay pasok na siya sa top 40 ng Binibining Pilipinas 2022.