Usap-usapan sa social media noong Lunes, Abril 25 ang pagkalat ng litrato ng isang babaeng celebrity na nakasuot ng pink t-shirt at may logo ng Viva Artists Agency, na may caption na "Papunta pa lang tayo sa sxciting part" na halaw mula sa nauusong meme ni Dra. Jill Ilustre, karakter ni 'Silent Superstar' Jodi Sta. Maria, sa teleseryeng 'The Broken Marriage Vow' na Pinoy adaptation ng 'Doctor Foster'.

Kalahati lamang ng mukha ang ipinasilip sa naturang litrato, kita ang lips ng celebrity na may pink lipstick, ngunit kahit ganito, mahahalatang ang celebrity na ito ay tila si Popstar Royalty Sarah Geronimo-Guidicelli na halos dalawang taon nang nasa hiatus matapos magpakasal sa nobyong si Matteo Guidicelli, at anomang oras ay maaari nang mag-comeback.

Nitong Martes, Abril 26, naglabas ng opisyal na pahayag ang Viva Artist Agency at pinabulaanan ito. Isa lamang itong 'edited' at 'altered', anila.

“A screenshot of an Instagram story is circulating online supposedly from the account of Viva Artists Agency ('VIVA')."

Tsika at Intriga

Awra Briguela, inawra pagbabalik-eskwela; umani ng reaksiyon sa netizens

“The post was altered and was never published on any official VIVA social media account.”

Samanatala, wala pa ring inilalabas na ineendorsong kandidato si Sarah na talaga namang inaabangan na.