Inaasahang makararanas ng pag-ulan ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao bunsod na rin ng nararanasang low pressure area (LPA), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa pahayag ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 180 kilometro sa timog-timog silangan ng Zamboanga City nitong Miyerkules ng hapon.

Inaasahang makararanas naman ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Visayas, Mindanao, Bicol Region, Romblon, at Palawan.

Binalaan din ng PAGASA ang mga residente sa mga tinukoy na lugar dahil sa posibilidad na magkaroon ng flashfloods at landslides.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Binabantayan pa rin ng PAGASA ang LPA dahil sa posible umanong maging bagyo ito sa mga susunod araw.