“If sa’kin okay lang, sana sa inyo rin”

Matapos ulanin ng batikos, ipinagtanggol ng basketball star na si Ricci Rivero ang girlfriend na si Kapamilya actress Andrea Brillantes at proud pang i-flinex ang effort nitong ma-convert siya bilang Kakampink sa ilang serye ng Instagram story.

Tila effective ang ginagawang pag-convert ng Kakampink actress sa jowa nitong kilalang tagasuporta ni Bongbong Marcos Jr., mahigpit na karibal ni Vice President Leni Robredo sa halalan sa pagkapangulo sa Mayo.

Basahin: ‘Kakampink’ Andrea Brillantes, sinusubukang i-convert si Ricci Rivero na isang BBM supporter – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ang aktres, nagawa nang lagyan ng sticker ang kotse ng basktetball star. Maging tumbler, ID lace, bracelet at phone case nito ay may bakas nang kulay rosas.

Ricci Rivero via IG story

Supportive naman si Ricci sa efforts na ito ni Andrea na makikita sa kanyang serye ng Instagram stories. Ipinagtanggol din nito ang kanyang girlfriend na inulan ng batikos mula sa bashers.

Ricci Rivero via IG story

Ricci Rivero via IG story

“Sa mga may chance magalit na ginawa niya ‘to. Hindi po dapat kasi ang sabi ko sa kanya kung ano yung feel niya na gawin, go lang. So if sa’kin okay lang, sana sa inyo din po. She’s just trying to make me believe a kung kanino siya naniniwala,” mababasa sa isang IG story ni Ricci.

Ricci Rivero via IG story

Ipinaliwanag din niya ang mga “nagagalit” aniya sa kanyang pagpapanggap na “converted” Kakampink na siya.

“Sa mga nagagalit diyan na I’m pretending that she converted me already, that’s not the point of me posting all these. I’m just saying n ashes trying and doing something para sa paniniwala niya. I respect her for that and kung hate lang ang dala niyo then ‘wag niyo na lang po i-open stories ko. I’m just proud of what my girlfriend’s doing,” ani Ricci.

Dagdag ng basketbolista, hindi lang siya ang kinukumbinsi ni Andrea na ikonsidera ang kandidatura ni Robredo.

“I’m not the only person she’s trying to convert kasi ang gusto niya is mapaalam sa tao esp nasa paligid niya na kung sino yung tingin niya best for ourt countr. Kasama ako dun sa mga ‘yun and this isn’t about her being a perfect girlfriend or whatever, it’s about her doing her part to let people know, understand, and believe in someone who she thinks is best to serve all of us.”

Ricci Rivero via IG story

Todo effort ngayon si Andrea na magconvert pa ng mga kamag-anak o kakila na suportahan ang kandidatura ni Robredo.

Basahin: Andrea Brillantes, nahimok ang driver at lola na maging Kakampink; tagumpay ba kay Ricci? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid