Pinasalamatan ni 'Magandang Buhay' host at Tingog partylist nominee Momshie Karla Estrada ang mga tagahanga at tagasubaybay ng kaniyang anak na si King of Hearts Daniel Padilla, na nagpaabot ng pagbati para sa ika-27 kaarawan ng anak ngayong Abril 26.

Ayon sa Instagram post ni Momshie Karla, kung uulit-ulitin man ang buhay niya, si Daniel at iba pa niyang mga anak ang gugustuhin pa rin niyang maging pamilya.

"Thank you everyone for greeting my eldest son. Thank you Twitter for the greetings for @supremo_dp," aniya.

Tsika at Intriga

Angelica Yulo may 2nd award: 'Most Exceptional Woman of the Year!'

Ipinagdiinan ni Momshie Karla ang salitang 'Malaya' sa sumunod na mga mensahe niya sa anak.

"MALAYA AT MALIGAYANG KAARAWAN SA'YO ANAK, KAYO NG MGA KAPATID MO ANG AKING NGAYON AT BUKAS. ULIT ULITIN MAN ANG BUHAY KO, KAYO PARIN ANG GUGUSTUHIN KO NA MAGING MGA ANAK AT IKAW PARIN ANG PANGANAY! I LOVE YOU TO THE MOON AND BACK!"

Bumaha naman ng pagbati sa comment section ng kaniyang IG post.

Bagama't UniTeam supporter si Karla, iginagalang naman niya ang desisyon ni Daniel na maging Kakampink, kagaya ng kaniyang katambal at real-life girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/10/karla-estrada-wala-kaming-issue-sa-pamilya-kung-sino-ang-gusto-naming-suportahan/">https://balita.net.ph/2022/02/10/karla-estrada-wala-kaming-issue-sa-pamilya-kung-sino-ang-gusto-naming-suportahan/

Iginiit ni Karla noong Pebrero na pinapraktis nila sa kanilang pamilya ang demokrasya sa pamamagitan ng paggalang sa political stand ng bawat isang miyembro nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/11/karla-estrada-in-my-family-we-strongly-believe-in-democracy/">https://balita.net.ph/2022/03/11/karla-estrada-in-my-family-we-strongly-believe-in-democracy/