Sa isang episode ng isang noontime show nitong Martes, ibinahagi ni Vice Ganda ang isang hindi pinangalanang kakila na aniya’y napilitan maging “troll” dahil sa hirap ng buhay. Tila umalma naman dito si Juliana Segovia sa isinapublikong usapan nila ng direktor na si Darryl Yap.

Isang pahayag ng Unkabogable Star ang agad na nag-viral sa social media matapos ibahagi niya ang isang kakilala na ganap nang isang troll o ‘yung mga nangunguna sa online bashing sa social media.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

https://twitter.com/CoachClarkeRoi/status/1518827561375047680

“Sa totoong buhay hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media. Ta’s nalaman ko troll siya. Trabaho kasi wala siyang pera eh. Ginawa niya ‘yun, kumapit siya doon kahit mali kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya,” pagbubulgar ni Vice Ganda sa isang episode ng It’s Showtime, Martes.

Sa kabila nito, hiniling din daw ng host sa mga kaibigan na huwag na lang ito patulan.

“Masakit man pero yung ang epekto sa kanya ng kahirapan. Kinailangan niyang gawin. Hindi man katanggap-tanggap pero wala siyang choice,” ani Vice Ganda.

“Mabait naman ‘yan eh, pero ngayon magugulat ka na lang talaga. ‘Yung mga post niya, ta’s nalaman naming troll pala siya,” dagdag niya.

Sa kabila ng hindi pagbanggit ng host kung sino ang tinutukoy nito, umalma si Juliana sa pahayag sa inilabas na usapan nila ng “Lenlen” series director na si Darryl Yap, Martes ng gabi.

“Iniisip ko hanggang ngayon, ni isang beses wala sa kanya o sa mga kadikit niya ang hiningan ko ng Gcaash kahit singkong duling. Nung wala akong pera at trabaho nag-online ukay-ukay ako sa Facebook live pero never ako nanghingi sa kanya o sa kanila,” mababasa sa mensahe ni Juliana na tila tugon sa pahayag ni Vice Ganda.

Dagdag kasi ng host, bago pa naging troll ay masugid umano ito manghingi ng tulong sa mga kaibigan gamit ang Gcash.

“Never ako nanghingi sa kanya,” dagdag na sagot ni Juliana nang muling tanungin ni Darryl ukol sa isyu.

Payo naman ni Darryl sa kanyang talent, “’Wag ka nang magpaapekto, iniisip niya na kalaban ka niya. You are the size of your enemy. Giginhawa rin ang buhay mo at ang naramdaman mong pangmamaliit ngayon ay ang pinakamalaking paalala sayo na hindi ka hihinto hanggang maging matagumpay ka. Lahat ng sinabi niya ay repleksyon niya. Nandito lang kami ni Ro at Senator [Imee Marcos].”

Isang makahulugang Facebook post gamit ang pahayag ni Vice ang ibinahagi rin ni Juliana kasunod ng pahayag ng host.

Wala pang tugon si Vice ukol sa reaksyon ni Juliana.