Wala na raw kiyeme sina Zanjoe Marudo at Kylie Verzosa sa isa't isa nang gawin nila ang maaalab na eksena sa pelikulang 'Ikaw Lang Ang Mahal' sa direksyon ni Direk Richard Somes na mapapanood sa Vivamax sa Mayo 20.

Naganap ang aminan sa Le Reve Pool and Events Venue sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City noong Biyernes, Abril 22 para sa kanilang press con. Ilan sa mga maiinit na eksena nila ay kinunan pa sa Sagada. May eksena pa nga na drone shot pa ang pagkakakuha sa hubo't hubad na lampungan nina Zanjoe at Kylie.

Wala na raw ilangan ang dalawa dahil mas gusto na lang nilang matapos ang mga eksena dahil saksakan daw ng lamig nang mga panahong iyon. Pag-amin ni Kylie, na kamakailan lamang ay naging usap-usapan dahil sa breakup nila ng nobyong si Jake Cuenca, hindi na nga raw sila nakatulog para sa mga eksena.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/23/jake-cuenca-kinumpirma-ang-pagtatapos-ng-kanilang-3-taong-relasyon-ni-kylie-verzosa/">https://balita.net.ph/2022/04/23/jake-cuenca-kinumpirma-ang-pagtatapos-ng-kanilang-3-taong-relasyon-ni-kylie-verzosa/

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"We were excited sa scene na ‘yun kahit nakagawa na kami ng ibang lovescene. Exciting kasi hindi kami natulog, nagpahinga lang kami noong night tapos umakyat kami ng bundok para sa scene na ‘yun para pag sunrise, naroon na kaming lahat ready na kami kasi hindi puwedeng magdala ng sasakyan, so, nag-hike kami ng three hours," pagsasalaysay ni Kylie.

Ayon naman kay Zanjoe, pareho naman silang game na gawin ang mga steamy scenes nila kahit malamig ang temperatura sa lokasyon. Sinegundahan din ito ni Kylie.

"Sobrang ginaw sa Sagada, 12 yung temperature at naka-heat patch kami ng Sponge Bob na nakatago lang. Masaya na kinakabahan na maganda ang experience dahil we have to hike ng 1AM, pumunta kami sa Sea of Clouds at nakarating kami ng 2AM. tapos nag-set up. Kailangan naming hintayin ‘yung araw," ani Kylie.

Kaya wala na raw silang time para i-absorb ang malisya.

Pag-amin naman ni Zanjoe, masarap daw kaeksena si Kylie dahil hindi na raw niya kailangang yumuko. Halos magka-height na kasi ang dalawa.

"Sarap kasi na ang kaeksena mo hindi na ako yumuyuko, kasi pantay na kami. Hahahaha!" natatawang sey ni Zanjoe, na pinag-usapan din ang maiinit na eksena nila ni Jodi Sta. Maria sa pilot episode ng teleseryeng 'The Broken Marriage Vow' na napapanood sa mga platform ng Kapamilya Network.