Matapos ang pag-update sa kaniyang social media na nasa Los Angeles, California USA siya, flinex ng social media personality na si Wil Dasovich na magkasama sila ng dating Star Magic at ABS-CBN actress na si Carla Humphries, o Madeleine Humphries sa tunay na buhay.

Makikita sa IG story ni Wil ang litrato ni Carla habang nagtitimpla ng kape sa tila kusina ng isang bahay. May text caption lamang itong 'COFFEE'.

Carla Humphries (Screengrab mula sa IG/Wil Dasovich)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Samantala, sa IG stories naman ni Carla, makikita naman ang video clips ni Wil. Nakalagay sa text caption na special guest nila ang ex-jowa ni cosplayer at social media personality Alodia Gosiengfiao, na kamakailan lamang ay naging usap-usapan matapos ibahagi ang litrato nila ni Christopher Quimbo habang nagbabakasyon sa El Nido, Palawan.

Wil Dasovich at Carla Humphries (Screengrab mula sa IG/Carla Humphries)

Batay sa 'Entrepreneurs' Organization Philippines', si Quimbo ang president at general manager ng Calabria Company Limited, na may likha sa Novellino Wines, isa sa mga market leading wines sa Pilipinas. Espekulasyon ng mga netizen, ito na ang bagong jowa ni Alodia matapos ang hiwalayan nila ni Wil noong Nobyembre 2021, bagama't wala pang kumpirmasyon mula mismo kay Alodia o Christopher.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/23/alodia-may-bagong-jowa-na-presidente-ng-isang-wine-company-sa-pilipinas/">https://balita.net.ph/2022/04/23/alodia-may-bagong-jowa-na-presidente-ng-isang-wine-company-sa-pilipinas/

Makikita naman sa entertainment page na 'Isyus' ni Xian Gaza ang tungkol dito.

"Koya Wil ikaw na lang sumagot, para rekta na. Bagong jowa mo daw ba si Ms. Carla na ngayon ay Madeleine Humphries na?!

If a friend lang… Ok next…," saad sa caption kalakip ang IG story ni Carla.

Si Carla ay nanirahan na sa Amerika noong 2021. Sa kasalukuyan ay wala pang napapabalitang jowa ang dating aktres sa US.

“Mahirap talaga. You’ll cry a lot. And I moved here alone. No family, no support system… I was alone mentally. Mentally, I was in the Philippines, thinking of the worst, worrying about my family, and didn't know if I should go back or stay here,” pagtatapat ni Carla sa vlog entry ni Michelle Madrigal noong 2021.