Masayang-masaya si StarStruck 7 Ultimate Female Survivor Shayne Sava sa oportunidad na makatrabaho si Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa isang teleserye kung saan silang dalawa ng bibida---ang 'Raising Mamay' na mapapanood sa Afternoon Prime Drama ng GMA Network.

In fairness ha, ' GMA Afternoon Prime Drama Princess' na kaagad ang titulo ni Shayne, matapos siyang ipakilala sa naganap na virtual media conference ng serye. Nangangahulugan itong nagtitiwala nang bonggang-bongga sa kaniya ang Kapuso Network para putungan ng korona ng pagiging prinsesa ng panghapong drama.

“Actually, noong marinig ko po iyon kanina, hindi po ako makapaniwala. Sabi ko, ‘Totoo ba yung naririnig ko?'” pag-amin ni Shayne sa mga showbiz reporter.

Hindi raw matatawaran ang pagmamalaki at kasiyahan niya sa proyektong ito. Para daw sasabog sa saya ang puso niya at hanggang ngayon daw ay kilig to the bones pa siya sa mga nararanasang oportunidad. Maituturing kasi niya itong 'biggest break'.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Actually, sobra po talaga akong blessed and grateful po na sa akin po napunta ang role ni Abigail Sandejas. Kasi, sobrang ganda po ng story at sobrang ganda po ng role niya. At nagpapasalamat po talaga ako sa GMA po kasi binigyan po nila ako ng opportunity and ng trust po and naniniwala po sila sa kakayahan ko. Always grateful and blessed po."

Ano naman ang pakiramdam na nakatrabaho na niya ngayon bilang nanay si Ai Ai?

“Sobrang saya po. Siyempre, lumaki po ako na siya po ang pinapanood ko. Tanging Ina, yung mga movies niya, yung mga serye niya. Before po kasi, nakikita ko lang siya sa TV, tapos ngayon kasama ko na siya, nayayakap ko na siya, nakakausap ko na siya. So, very honored sa akin yun na makasama ko si Mamay. Makaeksena ko po siya at maging mamay ko po siya," aniya.

Malaki raw ang naitulong ni Mamay Ai Ai sa kaniya lalo na sa aktingan.

Mapapanood ang 'Raising Mamay' ngayong Lunes ng hapon, Abril 25.