Hinuli ang isang lasing na lalaki nang tumae sa mismong swimming pool habang nasa isang resort sa Barangay Liburon, Carcar City, Southern Cebu noong Biyernes, Abril 22.

Ang suspek ay nakilalang si Dilcer Gaviola, 20 anyos, basketball player ng isang unibersidad sa Maynila, at residente ng Sitio Saimon, Barangay Can-asujan, na nahaharap sa kasong malicious mischief.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ardioleto Cabagnot, nakita ng naka-duty na lifeguard ang pag-ebak ni Gaviola sa mismong swimming pool ng Carcar Eco Farm Resort, dakong 5:30 ng hapon. Inaresto si Gaviola matapos ireklamo ng operations manager ng resort. Agad na pinosasan ng sekyu ng resort si Gaviola upang dalhin sa presinto.

Aabot umano sa ₱50K ang presyo ng mga napinsala ni Gaviola.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Pinaaalalahanan naman ng mga awtoridad ang mga nagnanais na maligo sa swimming pool na iwasan ang mga ganitong uri ng pagkakalat, gaya ng pag-ihi, pagkain habang nasa swimming pool, o paggawa ng mga di kanais-nais na akto gaya ng paglalampungan lalo't nakikita pa ng ibang lumalangoy din.