Ilang oras lang matapos kumpirmahin ni Jake Cuenca ang hiwalayan nila ni Kylie Verzosa noong Sabado, hindi nakaligtas kay Ogie Diaz ang beauty queen-turned actress at hiningan ito ng komento.

Unang tinanong ng talent manager kung kumusta ang aktres matapos ang rebelasyon ni Jake sa isang Instagram post.

Basahin: Jake Cuenca, kinumpirma ang pagtatapos ng kanilang 3 taong relasyon ni Kylie Verzosa – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“S’yempre andito tayo ngayon para kay Leni at Kiko. Happy ako. Happy ako,” ani Kylie na noo’y nasa birthday rally ni Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan nang aminin ng aktor ang kanilang hiwalayan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag ni Kylie, magpapahinga muna siya ngayon at mas pagtutuunan ang trabaho.

“Work muna, work,” aniya.

Tila nablangko naman ang aktres nang hingan sya ni Ogie ng maipapayo sa mga magkarelasyon na kagaya niya'y nakakaranas ng parehong sitwasyon.

“Feeling ko kasi ano e, kailangan ng malalim na…Wooo!!” naputol na pahayag ni Kylie.

“Bakit parang hindi ako handa dito,” sabi na lang niya habang natatawa.

“Pero kaya niyo yan,” matipid pa ring tugon ni Kylie.

Pagbawi ni Ogie sa beauty queen, “Basta gusto ko happy ka. ‘Yun lang ang importante. Unti-unti nakaka-move on ka, ‘yun ang importante.”

Nagpapasalamat naman si Kylie sa naging tatlong taong relasyon nila ni Jake.

“Take it a day at a time. Tapos feel ko time will heal all wounds. Nagpapasalamat talaga ako sa lahat ng nangyari,” aniya.

Pag-amin ng aktres, hindi pa sila nagkakausap muli ng aktor.

“Hindi kasi kami nag-uusap eh…pahinga muna. Focus muna sa carrer. Work and career,” giit ni Kylie.

Bibida si Kylie sa Viva film na “Ikaw Lang Ang Mahal” kasama si Zanjoe Marudo. Mapapanuod ito sa darating na Mayo 20.