Isa si Queen of All Media Kris Aquino sa mga nagpahatid ng birthday greeting kay Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid noong Abril 22, 2022 sa kaniyang Instagram post.

Nagpasalamat kasi si Ate Reg sa mga kaibigan, katrabaho, at tagahanga na nagbigay ng regalo at hindi nakalimot sa kaniyang 52nd birthday.

"Thank you again everyone for remembering my birthday love you guys," caption ni Songbird.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Dito nga ay nagkomento si Kris.

"May hinanda akong THANK YOU from our family for you & pareng Ogie- honestly I need to ask my sisters if it ever reached you- because Alvin (your #1 fan) took care of everything- he’s on leave now because his mom is in the hospital."

Humingi ng dispensa ang Queen of All Media dahil huli na ang kaniyang pagbati sa Asia's Songbird, dahil naghahanda na raw sila sa pag-alis para sa kaniyang medical treatment sa ibang bansa. Baka tumagal umano ng isang taon ang pananatili nila sa labas ng Pilipinas.

"Mare sorry if my greeting is late- we leave in a few days and we’ll be gone for more than a year for my medical treatments. Medyo overwhelming. Thank you dumalaw si Jas & Darla and they told me sobrang consistent kayo ni Pare asking kung kamusta ako."

Nagpahatid naman ng pag-aalala kay Krissy ang mga netizen. Hangad nila ang lubusang paggaling ni Krissy sa iniindang sakit nito.

Matatandaang sumailalim si Kris sa Xolair injection treatment.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/03/kris-aquino-kinaya-ang-bagong-treatment-sa-kaniya-1st-xolair-injection-was-a-success/">https://balita.net.ph/2022/03/03/kris-aquino-kinaya-ang-bagong-treatment-sa-kaniya-1st-xolair-injection-was-a-success/

Nawindang din ang lahat nang bigla siyang bumulaga sa Tarlac sortie ng Leni-Kiko tandem, sa kabila ng matinding pagtutol ng mga doktor niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/kris-bumulaga-sa-tarlac-nanawagang-wag-iboto-ang-ex-di-raw-marunong-tumupad-sa-pangako/">https://balita.net.ph/2022/03/24/kris-bumulaga-sa-tarlac-nanawagang-wag-iboto-ang-ex-di-raw-marunong-tumupad-sa-pangako/