Mukhang hindi lamang ang mga karaniwang consumer ang napapaaray sa laki ng electric bill na natanggap nila ngayong buwan kundi maging ang social media influencer-actress-model na si Sachzna Laparan, matapos niyang ibahagi sa kaniyang social media kung magkano ang halaga ng kailangan niyang bayaran sa nakonsumong kuryente.

Makikita sa kalakip na litrato ng kaniyang Facebook post na mahigit ₱89K ang babayaran niya sa kaniyang electric bill. Kaya naman ang caption niya rito ay "A. Magpalit ng bahay" o "B. Magpalit ng pamilya."

"Nagdilim ang paningin ko sa'yo Meralco… Isipin ko na lang, hotel 'tong bahay ko," aniya.

Sa comment section, mukhang ang malaking dahilan kung bakit lumaki ang electric bill ni Sachzna ay dahil sa palagiang nakabukas ang air-con dahil sa sobrang init na nararanasan ngayon.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

"Init kasi," aniya.

Tila relate-much naman dito ang mga netizen. May mga nagmungkahi sa kaniyang i-unplug ang mga kagamitang de-kuryente na hindi naman ginagamit. May mga nagsabi rin na subukin niyang gumamit ng solar panel dahil epektibo raw ito, lalo na kung hindi maiiwasan ang paggamit ng air-con.

Matatandaang nag-anunsyo ang Manila Electric Company (Meralco) ng taas-singil sa kuryente para sa buwan ng Marso. Sinabi ng Meralco na ₱0.063 kada kilowatt hour (kwh) ang ipatutupad nilang dagdag-singil para sa March billing.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/meralco-singil-sa-kuryente-tataas-ngayong-marso/">https://balita.net.ph/2022/03/10/meralco-singil-sa-kuryente-tataas-ngayong-marso/

Gayunman, mas mababa anila ito kumpara sa estimate na pagtataas na ₱0.80-₱0.90/kwh.

Katumbas umano ito ng ₱13 taas sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan habang ₱19 naman para sa mga tahanang nakakagamit ng 300 kwh monthly.

Nasa ₱25 naman ang dagdag sa bayarin sa kuryente na may konsumong 400 kwh kada buwan, at ₱31 sa konsumong 500 kwh.

Ang dagdag-singil umano ay bunsod ng pagsipa ng presyo ng coal at langis sa merkado. 

Samantala, si Sachzna ay napabalitang idine-date ng Kapamilya actor na si Jerome Ponce.