Sa kauna-unahang pagkakataon sa tanang buhay niya, nakapagtanggal ng mga 'lintik na tinik' ng bangus o milk fish si Kapuso star Heart Evangelista nang bumisita siya sa Dagupan City, Pangasinan.

Ibinahagi niya sa Instagram reel noong Biyernes, Abril 22, ang pagsubok niyang mag-debone ng mga tinik ng bangus kung saan kilala ang Dagupan City, kaya tinawag itong 'Bangus Capital of the Philippines'.

Heart Evangelista (Larawan mula sa IG)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"I learned for the very first time magtanggal ng tinik-lintik of the bangus," aniya.

Inamin naman ni Heart na nahirapan siya sa kaniyang first attempt pero nag-enjoy siya nang bonggang-bongga.

"I learned for the very first time magtanggal ng tinik-lintik of the bangus. It was such an experience and I did it but I failed," pag-amin ni Heart na puspusan na rin ang pangangampanya para sa mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero na kumakandidato at nagbabalik sa pagkasenador, kung papalarin sa darating na halalan.

Heart Evangelista (Larawan mula sa IG)

Matapos bumisita sa Dagupan, nagtungo naman siya sa Baccor, Cavite kung saan tinuruan din siya kung paano magtanggal ng tinik ng bangus. Ayon sa mga netizen, ito na raw yata ang classy deboning ng naturang isda.