Nagsitayuan ang guests sa birthday party ni Chad Kinis sa pasabog na pagbirit ni Katrina Velarde ng Whitney Houston classic na “Greatest Love Of All.”

Nagdiwang ng kaarawan ang Beks Batallion member kamakailan at isa nga sa mga guest performers nito ang Suklay Diva na si Katrina.

Sa ibinahaging pasilip na private party ni Chad sa isang video ng singer na si Ej Salamante, mapapanuod ang todo-bigay na si Katrina habang bumibirit ng Whitney Houston classic.

Maning-mani lang ng “Lason Mong Halik” singer ang komplikadong areglo ng kanta na unang napakinggan sa R3.0 album ni Asia’s Songbird Regine Velasquez Alacasid.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Bago pa magtapos ang performance ni Katrina ay makikita nang nagsitayuan, naghihiyawan at nagpapalakpakan ang guests sa galing ng singer. Bukang bibig din ng ilan ang mga salitang, "Grabe," at "Halimaw" sa pasabog ni Katrina.

“Yung akala namin national anthem kinanta mo napatayo kami lahats! Hapaka mo! Katrina Velarde 🤣♥️🥰😘,” mababasa sa caption ni EJ na kilala rin bilang singer at performer.

Agad na nag-viral sa Facebook ang video na ito ilang oras lang matapos i-upload nitoong Linggo, Abril 24.

Umapaw naman ng paghanga ng netizens ang halimaw na pasabog ni Katrina sa party.

“Parang niratrat ng highnotes mga nakikinig. Sana all,” saad ng isang netizen.

“I am hearing Whitney Houston.”

“MAHUSAYYYY ! MAHUSAYYY ! MAHUSAYYY !👏👏👏Nanindig na lahat ng dapat tumindig HAHAHAHA.”

“Nung bandang dulo regine na ung narinig ko😁Bravooooo👏👌

“Nakakapanindig ng balahibo♥️

“Halimaw! Mamaw indeed!”