Kinakiligan ng mga netizen ang 'lambingan' ng mag-jowang Julia Barretto at Gerald Anderson sa Instagram post ng una, noong Abril 22.

Ang naturang litrato ay mula sa kasal ng kaibigang si Patrick Sugui at girlfriend at ngayon ay misis na nitong si Aeriel Garcia noong Miyerkules, Abril 20, na dinaluhan ng mga celebrity friends nito, kabilang nga ni Julia.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/23/patrick-kaibigang-gabbi-at-khalil-binutata-ang-bashers-na-nang-iintriga-bakit-wala-ang-kathniel-sa-kasal/">https://balita.net.ph/2022/04/23/patrick-kaibigang-gabbi-at-khalil-binutata-ang-bashers-na-nang-iintriga-bakit-wala-ang-kathniel-sa-kasal/

"Before bridesmaid duties," saad ni Julia sa caption ng kaniyang IG post kalakip ang kaniyang litrato.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa comment section, nagkomento naman dito ang jowang si Gerald Anderson.

"Mine," saad nito.

Agad namang tumugon si Julia, "Yours."

Matatandaang bago aminin at lumantad sa publiko hinggil sa kanilang relasyon ay katakot-takot na batikos ang natanggap ng dalawa dahil si Julia umano ang itinuturong dahilan kung bakit naghiwalay sina Gerald at Bea Alonzo. Pinag-usapan pa ng taumbayan ang cryptic post ni Bea tungkol sa 'time' bilang 'truth teller'.

Bagama't noong una ay itinatanggi pa, unti-unti ay fine-flex na nga nina Julia at Gerald ang isa't isa hanggang sa tuluyan na nga silang umamin sa kanilang relasyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/24/gerald-anderson-si-julia-na-ang-the-one-humihingi-ng-kapatawaran-kay-bea/">https://balita.net.ph/2021/08/24/gerald-anderson-si-julia-na-ang-the-one-humihingi-ng-kapatawaran-kay-bea/

Sa ngayon ay may Dominic Roque na rin naman si Bea at mukhang naka-move na ang dalawang partido at ang mga tagahanga nila.