Binabatikos ngayon ng mga netizens ang dating newscaster at talk show host na si Jay Sonza dahil mali raw ang ginamit nitongpicture ng campaign rally sa Pasay City.

"Congratulations to the organizers & the 412k attendees all star cast concert: Leni@57 in Pasay," saad ni Sonza sa caption ng kanyang Facebook post nitong Linggo, Abril 24.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

May kalakip itong larawan ng campaign rally ng Leni-Kiko tandem ngunit ayon sa mga netizens ito raw ay mula sa naganap na Cebu rally noong Abril 21.

"I don't want to be fact-checked by either "independent" rappler or vera files, that is why I have to write the exact number of attendees according to mainstream media account," saad pa niya sa comment section.

Ang naging palatandaan ng mga netizens ay ang isang hotel, na matatagpuan umano sa Cebu City, na makikita sa larawan.

"Hi Sir Jay Sonza literal po ba kayong bulag? Ang litratong ginamit nyo ay rally sa Cebu at hindi yong sa #PasayIsPink . Sinadya nyo ba ito Sir para palabasing sinungaling at manloloko ang mga Kakampink gaya ng kabilang kampo? What motivates you to do such?"

"Tama na FAKE NEWS JAY SONZA! Di ka na sisikat pa. Wala nang kukuha sa iyo. You are no longer relevant. #PasayIsPink"

"I wonder how much Jay Sonza is being payed for this one. Bobo na, bayaran pa."

"Nakakaawa si jay sonza bigyan nyo na ng trabaho yung matanda."

"Mr. Jay Sonza, this is in Cebu rally and that structure is Bai Hotel in Mandaue City. Marunong din naman po siguro kayo mag fact-check, ano? Familiar din naman po siguro kayo sa Macapagal area. So ano po ito— para manloko ng iba?"

"Napakatanga Naman Ng Jay Sonza na Yan? Mula Nung naging Troll Di na Humana2 Yung UTAK..kawawang nilalang..Anu Kaya sinasabi SA knya Ng MGA anak at kamag anak nya SA knya? Baka nakishare sa Idol BabyM nya Ng COKE Kaya nasiraan na Ng bait?"

"Si jay sonza yung matanda na parang walang pinagkatandaan. Mahilig magpakalat ng fake news"

"Jay Sonza, pag inggit, pikit! Ang tabda mong walang pinagkatandaan! You are a disgrace!"

"Baka di pa nakarating sa macapagal si Jay Sonza. Magsama kau ni Gadon parehong Bobo at Pangit."

"Jay Sonza audience are the loyalist. Para continue maniwala na panalo sila. They have to feed mga fake news sa mga ito. Otherwise, baka mawala pa.

"Nakakalungkot na isa sa mga nirerespeto mong host dati sa Mel&Jay, naging fake news peddler at asal troll na. Gaano pa kababa ang ibababa ng dignidad mo Mr. Jay Sonza? Sobrang layo ng agwat nyo ni Ms Mel Tiangco"