“Mahirap na ba magpakatao ngayon?”

Ito ang tanong ng kilalang radio host na si DJ ChaCha sa mga nakitawa sa Instagram story ni Jake Cuenca ilang oras matapos kumpirmahin nito ang hiwalayan nila ng aktres na si Kylie Verzosa noong Sabado.

“Konting simpatya naman diyan. Yung mga nagsasabing bakit ipinost pa ito ni Jake pwede namang sarilinin na lang. Hindi natin alam totoong dahilan,” mababasa sa shared post ng radio host.

“Pwedeng sa sobrang sakit ng break up nila ni Kylie tapos wala siyang makausap ng mga oras na yan, kaya yan naging outlet niya to let his emotions out,” dagdag niya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Pagpupunto ni DJ ChaCha, hindi biro aniya ang tatlong taong relasyon at iba-iba ang paraaan ng pagmo-move on ng bawat isang tao.

“P’wedeng ito yung way ni Jake to let all his feelings out, para kahit papaano mabawasan ang sakit,” anang host.

“Mahirap na ba magpakatao talaga ngayon? Bakit kailangang i-laugh react? Hay.”

Sabado, Abril 23 nang kumpirmahin ng aktor ang espekulasyon kamakailan ukol sa pghihiwalay nila ni Kylie

Basahin: Jake Cuenca, kinumpirma ang pagtatapos ng kanilang 3 taong relasyon ni Kylie Verzosa – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kabila nito, nananatili umano silang magkaibigan.

“Wherever you are or whatever you’re doing I will always be sending you love and positivity. Know that you will always have a person in me who will always be proud of you. I’ll see you around Kylie,” ani Jake.