Inendorso ni 'Parokya ni Edgar' lead vocalist Chito Miranda ang kaniyang tiyuhing si vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan, ngayong Abril 24.

Ibinahagi niya ngayong hapon, bandang 5PM, ang litrato nila ng kaniyang tiyuhing si Sen. Kiko kasama ang misis na si Neri Naig. Dito ay ibinunyag ni Chito na magtiyuhin sila ng senador na tumatakbong pangalawang pangulo.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Nandito na si Kiko, si Kiko Pangilinan," ani Chito.

Magpinsang buo raw ang tatay ni Chito at si Sen. Kiko. Siya raw ang paboritong pamangkin… noong hindi pa raw ipinapanganak ang sikat na Kapamilya actor na si Donny Pangilinan.

"Sa mga hindi nakakaalam, uncle ko po si Kuya Kiko (mag-pinsang buo sila ng Dad ko)…at ako po talaga yung paborito nyang pamangkin, bago dumating si Donny."

Pinatotohanan naman ni Chito na sobrang bait daw ng kaniyang tito at misis nitong si Megastar Sharon Cuneta.

"Gusto ko lang sabihin na sooobrang bait nila ni Ate Sharon, at sobrang mahal ko sila, kahit mas mahal nila si Neri kaysa sa akin."

Marami naman sa mga netizen ang umaasam na sana raw ay makapag-perform naman ang Parokya ni Edgar sa isa sa mga sortie ng Leni-Kiko tandem.