Patay ang isang 9-taong gulang na batang lalaki nang masagasaan ng truck sa Tondo, Manila nitong Sabado ng hapon.

Pisak ang ulo at nagkalat sa kalsada ang utak ng biktima na nakilalang si Mark Angelo Persia, 9, residente ng Temporary Housing, Vitas, Tondo, Manila.

Samantala, arestado naman ang suspek na si Robert Soriaga, 47, ng 40 Don Pepe Street, Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Batay sa ulat ni PSSg Johnny Acebes, ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-5:00 ng hapon nang maganap ang aksidente sa northbound lane ng Delpan Service Road, kanto ng San Simon St., sa Tondo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Minamaneho umano ni Soriaga ang isang tractor head (TWT-400) na may trailer (TUF-225) sa naturang lugar nang mahagip at masagasaan ng kanang hulihang kanang gulong nito ang biktima, na noon ay nasa kalsada, at nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Ang suspek ay nakapiit na at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.