Naglabas ng show-cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa anim na kumpanya ng bus upang pagpaliwanaginsa pagkaka-stranded ng libu-libong pasahero sa mga terminal nito sa Pampanga noong Abril 20.

Nauna nang sinisi ng LTFRB at ngMetropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga bus company dahil sa nilikhang pagkalito kaugnay ng patuloy na window hour scheme at sinabing "sinasabotahe" ng mga ito ang polisiya.

Kabilang sa mga na-stranded ang mga pasaherong 10 oras na naghintay sa Cubao bus terminal.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pagdidiin ng LTFRB, nilabag ng mga sumusunod na bus operators ang kanilangCertificate of Public Convenience:Victory Liner Inc.,Genesis Transport Service Inc., Bataan Transit Bus Co. Inc.,Five Star Bus Inc.,First North Luzon Transit Inc., atMaria De Leon.

Binanggit pa ng LTFRB na hindi bumiyahe ang mga natukoy na bus operators kaya na-stranded ang libu-libong pasahero saDau Terminal, Mabalacat, Pampanga;Robinson Mall Terminal, San Fernando City, Pampanga;Victory Liner Terminal, San Fernando City, Pampanga;Bataan Transit Terminal, San Fernando City, Pampanga;Genesis Terminal, San Fernando City, Pampanga atBus Stop sa Mexico, Pampanga.

Itinakda na ng LTFRB ang pagdinig sa Mayo 10.