Isa ang film producer at mister ni Angel Locsin na Neil Arce sa mga nagkomento at nagbigay-reaksyon sa kontrobersyal na birthday greetings ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo kay Kapamilya actress at 'It's Showtime' host Kim Chiu, na nagdeklara na rin bilang isang Kakampink.

"Kim, Happy, Happy Birthday. Magkasunod pala birthday natin. But I want to wish you a very happy birthday. Ah, I know you're in a good place now, follower mo ako sa YouTube channel mo," pahayag ni VP Leni.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/21/b-day-greetings-ni-vp-leni-kay-kakampink-kim-chiu-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/">https://balita.net.ph/2022/04/21/b-day-greetings-ni-vp-leni-kay-kakampink-kim-chiu-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/

Marami naman sa mga netizen ang napa-react sa 'I know you're in a good place now' na sinabi ni VP Leni, na ayon sa mga netizen ay kadalasang ginagamit kapag namatay na.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Paglilinaw naman ng iba pa, walang mali sa sinabi ni VP Leni. Ito umano ay maituturing na 'conversational sentence structure'. Kung isasalin umano ito sa wikang Filipino, ito ay "Alam kong nasa mabuti kang kalagayan ngayon."

Samantala, ang pahayag naman na tumutukoy sa pagyao o pagpanaw ay 'in a better place'.

Nag-react na rin dito si Kim Chiu at ang sabi niya, naintindihan naman daw niya ang nais sabihin ni VP Leni, at siya naman ang binati, hindi ang mga netizen. Wala raw siyang negatibong pakiramdam tungkol dito, bagkus ay napakasaya pa nga niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/21/basher-nakatikim-ng-talak-kay-kim-chiu-matapos-okrayin-ang-b-day-greetings-ni-vp-leni-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/04/21/basher-nakatikim-ng-talak-kay-kim-chiu-matapos-okrayin-ang-b-day-greetings-ni-vp-leni-sa-kaniya/

Bagay na sinegundahan naman ni Neil sa kaniyang tweet noong Abril 21, 2022.

"Tawa ko nang tawa sa ang ibig sabihin daw ng 'in a good place' Patay na. It just shows how these 'political experts' are idiots," aniya.

https://twitter.com/neil_arce/status/1516962918742790144

"Para sa mga tanga. Good place = Maganda disposisyon. My God!!!" dagdag pa nito.

https://twitter.com/neil_arce/status/1516964951273148416

Samantala, isang netizen naman ang nagtanong kung mali raw ba ang pagkakagamit dito ni Kuya Kim Ateinza, nang mag-tweet ito tungkol sa pahayag ni Carlos P. Celdran.

"So mali pala si Kuya Kim?" saad sa tweet, na hindi naman sinagot ni Neil.

https://twitter.com/BayoMan30/status/1517670133468041219

Si Neil, gaya ng kaniyang misis na si Angel, ay isang certified Kakampink.