Kinumpirma ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca ang pagtatapos ng kanilang tatlong taong relasyon ni Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Sa isang mahabang Instagram post, Sabado, binuksan ng aktor sa unang pagkakataon ang kumpirmasyon ng mga umugong na espekulasyon kamakailan ukol sa kanilang hiwalayan.

“I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. This past 3 years of my life have certainly been the best. I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways,” mababasa sa Instagram post ni Jake kalakip ang larawan ng kanilang miniature version ni Kylie at isa pang larawan kung saan makikita ang magkahawak nilang mga kamay.

“I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger we both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness no anger and no regrets only the good memories. Certainly, that’s what I will be holding on to,” dagdag ng aktor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Para kay Jake, mananatili siyang nakasuporta kay Kylie at ipagdadasal niya ang tagumpay nito sa journey nito.

“I’m happy we were able to finish this chapter of our lives the same way we started it. As friends.

“Wherever you are or whatever you’re doing I will always be sending you love and positivity. Know that you will always have a person in me who will always be proud of you. I’ll see you around Kylie. 🤍,” pagtatapos na sabi ni Jake.

Hindi naman napigilang maapektuhan ng ilang netizens at malalapit na kaibigan.

“Mahigpit na yakap para sa inyong dalawa ni Kylie,” komento ni Iza Calzado sa rebelasyon ni Jake.

Matatandaang unang napag-usapan ang hiwalayan ng dalawa dahil sa cryptic posts ni Kylie sa Twitter at maging ni Jake sa serye ng Instagram stories nito.

Naging maugong pa ito nang maging emosyonal ang beauty queen-actress sa isang episode ng It’s Showtime nang mapag-usapan ang hiwalayan sa isang segment ng programa.

Tatlong taon naging magkarelasyon si Jake at Kylie.