Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin at co-host na si Romel Chika sa April 20 episode ng entertainment radio show na 'Cristy Ferminute', ang dating 'Wowowin' dancer at ngayon ay kalahok sa Binibining Pilipinas na si Herlene Nicole 'Hipon Girl' Budol na bonggang-bongga ang transpormasyon.

Noong unang makilala ng publiko si Herlene bilang contestant daw sa Wowowin ay tuwang-tuwa sa kaniya si Cristy. Ngunit hindi naglaon ay tila hindi na raw nito nagugustuhan ang ikinikilos nito dahil may pagka-atribida raw ito. Naungkat ni Cristy ang kontrobersyal na paghalik ni Herlene kay Alden sa pisngi, bagama't kinlaro naman ni Hipon Girl na bago ang pagtuka sa pisngi ng Asia's Multimedia Star, eh nagpaalam naman siya rito.

"Naka-isang halik na dodoble pa, natural, mabubuwisit mga tagahanga ni Alden," sey ni Cristy.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/05/herlene-budol-umiskor-ng-halik-kay-alden-humingi-ng-dispensa-sa-mga-nailang/">https://balita.net.ph/2022/04/05/herlene-budol-umiskor-ng-halik-kay-alden-humingi-ng-dispensa-sa-mga-nailang/

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Naungkat din ang training at pagsali nito sa Binibining Pilipinas. Pinuri ni Cristy ang actress-model at anak-anakan niyang si Wilma Doesnt-Parin sa pagtuturo kay Herlene kung paano ang tamang paglalakad at pagrampa.

"Medyo ano lang itong si Herlene Budol, budol pa naman ang apelyido niya, 'wag kang pabudol-budol, kasi minsang yung pagiging adelantada, kinabubuwisitan talaga 'yan, saka konting pino, konting pino ng ugali, ipakita mo sa kanila na hindi lahat ng illegal settlers ay kakilos mo," diretsahang payo ng showbiz columnist kay Herlene.

Sumang-ayon naman dito si Romel Chika.

"Tama, tama, dapat umayon na siya, nasa ibang lugar na siya, umayon siya sa kung ano ang ikinikilos ng mga pinupuntahan niya, 'wag niyang dadalhin ang ugali niya sa pinupuntahan niya, dapat ganoon."

Sana raw ay huwag niyang sayangin ang oportunidad na ibinigay sa kaniya ngayon, na nagsimula kay Willie Revillame. Dapat daw unti-unti, pinag-aaralan na ni Herlene ang mundong pinasok niya---ang mundo ng showbiz. Sa ngayon, ang talent manager niya ay si Wilbert Tolentino at nakapirma rin siya sa Sparkle GMA Artist Center.

Samantala, wala pang tugon dito sina Herlene at maging ang talent manager niyang si Wilbert.

&t=872s