Usap-usapan ngayon ang mga Instagram post at stories ng cosplayer-social media personality na si Alodia Gosiengfiao matapos ibahagi ang pagbabakasyon sa El Nido, Palawan, kasama ang lalaking nagngangalang Christopher Quimbo, ngayong Sabado, Abril 23.

Ang tanging caption lamang niya rito ay infinity sign. Makikita sa litrato na nasa tila kuweba sila, ipinagdikit ang mga kamay, at lumikha ng heart sign.

View this post on Instagram

A post shared by Alodia Gosiengfiao (@alodia)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Makikita naman sa kaniyang IG stories ang mga litrato nila, at isang video kung saan tila inaalayan siya ng kanta ni Christopher habang tumutugtog ito ng piano, sa awiting 'Close To You' ng Dayglow.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Happy for you!"

"You deserved to be happy and loved."

"Kung saan ka masaya. Doon din kaming mga fans mo. Paki-alagaan mabuti si Ms. Alodia sir."

"OMGGGG OFFICIAL NA TALAGA."

"Yaaaaaaaan! Better!!!!

Screengrab mula sa IG/Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo

Marami ang napatanong kung sino nga ba si Christopher Quimbo. Batay sa 'Entrepreneurs' Organization Philippines', siya ang president at general manager ng Calabria Company Limited, na may likha sa Novellino Wines, isa sa mga market leading wines sa Pilipinas.

Nagtapos siya ng Bachelor of Arts degree in Economics sa University of Wisconsin –Madison at noong 2014 nakumpleto niya ang Wine Executive Program sa University of California-Davis.

Noong 2015, nakatanggap siya ng parangal na 'ASEAN Business Award for Young Entrepreneur of the Year in the Philippines'.

Makikita rin sa IG stories ni Chris ang mga litrato at videos nila ni Alodia habang nagsasagwan ng kayak sa El Nido at pagtugtog niya ng piano.

Batay naman sa IG stories ng ex-jowa ni Alodia na si Wil Dasovich, mukhang nasa Amerika ito. Ipinakita pa niya ang kasiyahan habang sakay ng eroplano, dahil hindi na yata required ang pagsusuot ng face mask.

Screengrab mula sa IG/Wil Dasovich

Matatandaang noong Nobyembre, nagulat ang kanilang mga tagahanga nang ihayag at kumpirmahin nilang hiwalay na sila.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/21/alodia-itinangging-prank-lamang-ang-break-up-nila-ni-wil-it-is-what-it-is/">https://balita.net.ph/2021/11/21/alodia-itinangging-prank-lamang-ang-break-up-nila-ni-wil-it-is-what-it-is/

Makalipas ang ilang buwan, tila nabuhayan pa ng pag-asa ang mga tagahanga nila dahil sa mga tila parinigan nila sa social media.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/14/hi-ako-nga-pala-yung-sinayang-sinaing-mo-wil-at-alodia-nagparinigan-nga-ba/">https://balita.net.ph/2022/01/14/hi-ako-nga-pala-yung-sinayang-sinaing-mo-wil-at-alodia-nagparinigan-nga-ba/