CAMP OLIVAS, City of San Fernando, Pampanga - Nasamsam ng pulisya ang aabot sa₱1 milyong halaga ng iligal na droga sa isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Biyernes, Abril 22.

Nakakulong na ang suspek na nakilalang si Arnold Palioc, taga-Barangay Suklayin, Baler, Aurora.

Dinakip ng mga awtoridad si Palioc matapos bentahan ng 150 gramo ng umano'y shabu ang isang pulis ng Special Drug Enforcement Unit ng Cabanatuan City Police Office sa Brgy, Bantug, Bulalo sa Cabanatuan City.

Nasamsam sa suspek ang 21 na piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng illegal drugs na nagkakahalaga ng₱1,020,000 at marked money.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Bukod sa Cabanatuan City, posible ring nag-o-operate ang suspek sa iba pang karatig-lalawigan

Sasampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 oComprehensiveDangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.