Matapos mapansin ng ilang netizens ang pagbura ni Zeinab Harake sa mga larawan ng kanyang partner na si Skusta Clee sa Instagram kamkailan, tila gumanti naman ngayon ang singer.

Bagaman mapapansin pa rin ang bakas ng mga larawan ni Zeinab sa IG ni Skusta lalo na sa gallery nito noong 2021, makukumpirmang wala na ang ilang latest photos ng online personality sa IG ng singer.

Hindi naman kumpirmado kung tuluyan nang burado na naka-archive lang ito.

Gayunpaman, naging maugong kamakailan ang relasyon ng dalawa matapos ang umano’y hiwalayan nito.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Basahin: Zeinab Harake, nakunan sa pangalawang baby; dedma na kay Skusta Clee? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Lalo pang naging laman ng usapan sa social media kasunod ang rebelasyon ni Zeinab kaugnay pagluluksa niya sa second baby sana nila ng singer. Sa nasabing post, napansin ng netizens ang hindi pagbanggit ni Zeinab kay Skusta at paghiling nito ng gabay sa kanila lang ni Bia, unang anak nila ng singer.

Matatandaang sunod na umugong din ang umano’y pangangaliwa ni Zeinab dahilan para depensahan siya ng malapit na kaibigan at kapwa YouTube star na si Donnalyn Bartolome.

Basahin: Donnalyn, may pakiusap sa publiko para sa kaibigang si Zeinab – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Be kind to Zeinab, because if you know what I know, you’d feel horribly sorry for saying bad things about her at this time.. the most painful time of her life,” saad ni Donnalyn.

“I will pray for the souls who said false accusations about her loyalty after everything,” dagdag niya.

Samantala, ilang serye ng Facebook posts ni Christian Gaza ang umagaw ng atensyon ng netizens ngayong Biyernes, Abril 22.

Ilang larawan ni Skusta kasama ang isang babae ang tila itinuturo ng pambansang Marites na lalaki na dahilan ng umano’y hiwalayan ni Zeinab at Skusta.

Matapos umani ng libu-libong reaksyon, at mula raw mismo kay Zeinab na nagkumkumpirmang malapit na kaibigan lang ito ni Skusta, agad na kumambyo si Xian sa mga sumunod na Facebook posts.

Parehong tikom pa ang dalawang panig kaugnay ng tunay na estado ng kanilang relasyon.