Nanawagan muli ang Department of Health (DOH) sa publiko na magpa-booster shot at huwag nang hintaying magkaroon ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) surge sa bansa.

Ginawa ng DOH ang panawagan sa gitna ng paghahanda ng gobyerno para sa ikalawang booster dose ng ilang priority groups sa Pilipinas.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, kapag nagkaroon ng surge ay posibleng kaunti na lamang ang magtuturok dahil magiging overcrowded na ang mga vaccination sites at karamihan ng mga frontline healthcare workers ay nasa ospital na upang aasikasuhin ang mga dumagsang pasyente.

Sinabi rin ng DOH na hindi pa "ligtas ang bansa sa sakit" dahil marami pa ring bansa ang tumataas pa rin ang kaso ng Covid-19.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Aabot pa rin aniya sa 14 na lugar sa bansa ang nakitaan ng pagtaas ng Covid-19 cases.

Kabilang na rito ang Marinduque, Angeles City, Davao City, Butuan, Ilocos Norte, Santiago City, Catanduanes, Olongapo City, Batanes, Tarlac, Kalinga, Quirino, Surigao del Sur at eastern Samar.