Nakilala na ng pulisya ang tatlong persons of interest na bumaril sa grupo ni presidential candidate Leody de Guzman habang sila ay nangangampanya sa Bukidnon kamakailan.

"Mayroon na tayong 3 person of interests at hinihintay na lang namin yung mga witness," pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang panayam sa radyo.

Aniya, inimbestigahan na ngpolice forensics team ang plantasyon kung saan naganap ang pamamaril sa Sitio Kiantig, Barangay San Jose, Quezon noong Abril 19.

Binanggit din nito na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang baril, kabilang ang walong shotgun, dalawang 9mm pistol at isang Cal. 38 revolver.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Isasailalim aniya ang mga ito sa ballistic examination upang madetermina kung ginamit o pinaputok ang mga ito.

Sa ulat ng pulisya, kasalukuyang nakikipagpulong ang grupo ni de Guzman sa mga miyembro ng katutubong Manobo-Pulangiyon community kaugnay ng umano'y pang-aagaw sa kanilang lupain nitong nakaraang Martes nang maganap ang pamamaril na ikinasugat ng limang katao.

Nag-ugat ang insidente kaugnay ng usapin sa lupain sa pagitan ng mga katutubo at ng isang kumpanya.