CAMP OLIVAS, City of San Fernando, Pampanga - Natimbog ng pulisya ang dalawang babaeng pinaghihinalaang drug pusher matapos mahulihan ng₱400,000 na halaga ng iligal na drobgasa buy-bust operation sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Abril 20.

Nasa kustodiya na ng Cabanatuan City Police Office sinaMa. Saning Santos, 53, at Jenny Rose Balacano, alyas "Rosa," kapwa taga-Brgy. Casile, Llanera ng lalawigan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkasa ng anti-illegal drug operation ang mga tauhan ng Cabanatuan City Police sa Purok 7, Brgy. Sangitan West nitong Miyerkules na nagresulta sa pagkakaaresto nina Santos at Balacano.

Nakumpiska ang 16 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng₱414,800.00 at marked money.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nahaharap na ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).