Kinakiligan ng mga netizen, lalo na ang kani-kanilang mga tagahanga, ang latest lambingan photo ng magjowang Maine Mendoza at Arjo Atayde, na ibinahagi sa Instagram account ng Phenomenal Star ngayong Abril 21, 2022.

"To more coladas, laughs, and sunsets with you," saad sa caption ng IG post ni Maine. Makikita na nakababad sa dagat ang dalawa at nakasampa sa tila salbabida, habang nakapatong naman ang kopitang naglalaman ng juice ni Maine. Si Arjo naman, mukhang beer ang nilalaklak.

View this post on Instagram

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

At syempre, napakomento naman dito ang mga kaibigan nila sa showbiz gaya nina JM Rodriguez, Jake Cuenca, Liz Uy, at ang tatlong M na kasama niyang Dabarkads na sina Miles Ocampo, MJ Lastimosa, at Maja Salvador.

Ikinaaliw naman ng mga netizen ang komento ni MJ sa litrato.

"Soulmeyt …. Edited…. eme," saad ni MJ sa comment section.

Ngunit may isang netizen ang tila masyadong seryoso at hindi nagustuhan ang pagbibiro ni MJ. Idinawit nito si Alden Richards na nauna nang nakatambal ni Maine bilang 'AlDub' na talaga namang phenomenal hit noong 2015.

"Ms. MJ kaya ka nababash… patola ka rin. Wala kang magagawa kung marami pa rin silang umaasa sa @aldenrichards02 at @mainedcm. Yun pinakita nila noon at pinaramdam… Kung sa tingin nila edited hayaan mo sila problema nila 'yun. Kaibigan mo kasi si Atayde kaya todo push ka… Paano kung si Alden ang kaibigan mo… makapatol ka pa kaya sa mga samot? Di nga pinapansin ni Meng bakit parang ikaw affected? Mali man ginagawa nila pangbabash kay Atayde… wala ka pa rin sa lugar para mang-okray. Kaya nagbabanggaan ang AlDub fans at Mainers dahil sa mga mahilig sumawsaw na tulad mo."

Hanggang sa may ilan pang netizen na sumegunda.

"@mj_lastimosa kaya ka naman pala nababash haha deserve mare."

"@mj_lastimosa edited and sarswela, 'wag kang ganyan ikaw ba may hawak ng account."

"@mj_lastimosa masaya ka na…"

"@mj_lastimosa huuuy wag aatakihin ka ng mga praning.. hahahahaha"

"Epal ano?"

Samantala, wala pang tugon, reaksyon, o pahayag si MJ Lastimosa tungkol dito.