Handa pa ring humarap si Pangulong Rodrigo Duterte sa korte upang ipagtanggol ang mga pulis na nahaharap sa kaso dahil sa pagtupad ng tungkulin, kahit tapos na ang kanyang termino sa Hunyo.

"As my term draws to a close — wala kayong problema, maski retired na ako if you want my help lalo na ‘yung masabit kayo in a legitimate operation, nandiyan ako and maybe I will appear in court for you. Iyong naano lang, nasabit sa pagtrabaho," paniniya ng Pangulo sa mga nagtapos ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Cavite.

"I will defend you hanggang kamatayan. I will provide the legal (means)," aniya.

Kahit bababa na sa puwesto bilang Pangulo sa Hunyo, nangako si Duterte na sasagutin niya ang lahat ng usapin laban sa mga pulis na nalalagay sa balag ng alanganin dahil sa pagsunod sa kanyang mga polisiya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"Performance of duty, wala ka nang iisipin. Ako na, ako na ang magsabi, ako ang nag-utos niyan.Ganoon ako ‘pag naano ang pulis naipit, ako ang magsabi, utos ko 'yan. Iyan ang totoo. Ako 'yung kumakain ng ano but performance of duty," lahad nito.

Matatandaang pinaiimbestigahan ngInternational Criminal Court (ICC) ang drug war campaign ng administrasyon ni Duterte dahil sa paglabag umano sa karapatang-pantao ng mga biktima.

Noong 2017, tiniyak ni Duterte sa mga pulis na lumalaban sa paglaganap ng iligal na droga, kabilang na ang mga nahaharap sa kaso kaugnay ng pamamaslang kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr., na hindi sila makukulong kung kakasuhan ang mga ito dahil sa pagtupad ng kanyang kampanya.