Hindi pinalagpas ni It's Showtime host Kim Chiu na soplakin ang isang basher na nanlait sa ginawang birthday greetings ni Vice President Leni Robredo sa kaniya noong Abril 19, kung saan iniintriga ng mga netizen ang pahayag nitong "I know you're in a good place now" ukol sa kaniya.

"Kim, Happy, Happy Birthday. Magkasunod pala birthday natin. But I want to wish you a very happy birthday. Ah, I know you're in a good place now, follower mo ako sa YouTube channel mo," pahayag ni VP Leni.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/21/b-day-greetings-ni-vp-leni-kay-kakampink-kim-chiu-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/">https://balita.net.ph/2022/04/21/b-day-greetings-ni-vp-leni-kay-kakampink-kim-chiu-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/

Isang inspirasyon daw ang buhay ni Kim Chiu dahil isa siyang mabuting ehemplo ng isang tao na nagawa pa ring makatayo at maipagpatuloy ang buhay, kahit na binira ng mga kontrobersiya ang buhay. Kaya naman, hindi malilimutan ni Kimmy ang pagdiriwang ng kaniyang 32nd birthday noong Abril 19 dahil dito.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

"OMG!!!!!! Literally I am crying right now!!!!!! Nakakaiyak na ang isang tao na alam ko na maraming ginagawa araw-araw, doing everything for the people as a Vice President of our country and a soon to be PRESIDENT. Rally dito, rally doon. Debate dito, debate doon. Motorcade, house to house. Personal duties as a mother at marami pang iba," wika ni Kim.

"Grabe saludo po ako sa inyo Ma'am and watching this video made my heart melt. Salamat po for seeing me, for sending this video, napaka-personal po ng message ninyo. Maraming-maraming salamat po. Truly made my birthday complete, didn't expect this pero maraming salamat po."

Bukod sa pasasalamat dahil sa birthday video, pinasalamatan din ni Kim ang pangalawang pangulo sa pagbibigay umano ng buhay para sa bayan sa pamamagitan ng pagkandidato nito sa pagkapangulo. Opisyal na idineklara ni Kimmy na isa siyang certified Kakampink.

"SALAMAT DIN PO SA LABAN NA BINIBIGAY NINYO PARA SA ATING BAYAN. Makakaasa po kayo KASAMA N'YO PO AKO SA LABAN NA ITO. LABAN PARA SA ISANG GOBYERNONG TAPAT, ANGAT BUHAY ANG LAHAT."

"Matagal na naming hinihiling at inaasam ang isang TAPAT na pamahalaan, na nakaupo para sa mga tao at hindi para sa sarili. I am here behind you alongside with all the Filipinos who are hungry for HONEST AND GOOD GOVERNANCE."

"I am looking forward for a better, brighter, kulay rosas na bukas para sa buong PILIPINAS with you as our PRESIDENT, Maria Leonor 'Leni' Gerona Robredo," aniya.

"Special thank you to @bigbadbawang and the staff of VP @bise_leni for sending this video at sa mga rosas na binigay ninyo maraming-maraming salamat po. Ako si KIM CHIU #KakamPINK ninyo. Advance HAPPY BIRTHDAY PO VP LENI," pagbati rin ni Kim Chiu kay VP Leni.

Ngayong araw, Abril 21, nakatikim ng talak mula kay Kimmy ang isang netizen na nanlait nga sa pinag-uusapang pahayag ni VP Leni, na kung tutuusin ay wala namang mali.

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1516951227770179586

"OMG kinilabutan ako pagbati ni madam VP ky Kim Chiu. Kala ko talaga RIP na. Sorry #KimChiu had to play the video nang ulit2x," panlilibak ng netizen.

Sey naman ni Kim Chiu, "Wag ka nga! Di naman ikaw yung binati eh. Ako di ba? Ako yung nag-birthday. Nakikinood ka na nga lang ganyan ka pa. Ako kasi naintindihan ko, para sa akin naman yung message. Ikaw ba? Nabati ka na ng taong tinitingala mo sa birthday mo? Bawas nega. Para angat buhay lahat. Smile!"